Pages

Friday

Filipino: Isang Masinsinang Panunuring Pampelikula

I. Panimula Ang pelikulang ito ay hango sa totoong buhay noong panahon ng mga Kastila. Ipinakita dito ang iba't ibang trahedya, karanasan at mga kwentong buhay ng mga Pilipino noon. A. Pamagat ng Pelikula: Baler B. May-akda ng novella/kuwento: Roy C. Iglesias C. Director: Mark Meily II. Buod Nagkita muli sina Celso (Jericho Rosales) at Feliza(Ann Curtis) sa napagkasunduang lugar kung saan sila nagkatagpo noon. Habang nilalasap nila ang maliit na sandaling sila'y nagkasama. Umatake ang mga rebelding Indios sa kampo ni Tinyente Jose Mota(Andrew Schimmer). Doon sa may simbahan narinig ni Gabriel ang mga sigawan at putukan ng dalawang kupunan at sinilip n'ya para makita ano ang nangyayari ngunit nakita niya ang kanyang sariling ama napumapatay ng mga sundalong Kastila at tumago ito sa loob ng simbahan. Napaligiran na si Tinyente Mota pinakiusapan siya Daniel Reyes (Philip Salvador) na sumuko siya ngunit ayaw niyang sirain ang puri ng pagiging isang Kastila. Lumipas ang isang taon dumating ang isang sugo sa republikang Pilipino para maihatid ang mensahing "Ceasefire" galing sa Biak na Bato. Hindi tinanggap sa kampo nina Commandante Teodorico Luna Novicio (Joel Torre) at Daniel dahil ipinahiwatig sa sugo na di malilimutan ang nagawang pag-wasak sa kupunan nina Tinyente Mota noong isang taon ngunit sabi ng sugo na handang kalimutan ng gobyernong Espanya ang lahat ng nangyari. Isang araw tinuturuan ni Daniel ang kanyang nag iisang anak na lalaki na si Gabriel kung paano bumaril ng isang tao subalit hindi interesado si Gabriel dito dahil wala siyang kaaway at masgusto pa niyang magpari kaysa maging isang sundalo. Nagalit si Daniel dahil natututong sumagot sa kanya ang sariling niyang anak at ayaw rin niya sa simbahan o sa mga prayli palibhasa nag-iisa ang gobyerno at ang simbahan. Umalis pabalik sa loob ng bahay si Daniel kinausap siya ni Feliza tungkol sa itinitrato niya sa kanyang kababatang kapatid. At binuksan ni Daniel kung paano sila namuhay sa kamay ng mga Kastila nasabi rin niya kung paano siya binayoneta ng isang lasing na sundalo at noong ginahasa ang kanyang kapatid na si 'Soledad' sa harap niya ng mga sundalong Kastila. Sa mga sumusunod na mga araw nagkita muli ang magkasintahan at binuksan ni Celso ang kanyang pamilya at kung bakit naging sundalo siya. Lumipas ang mga araw na silang dalawa ay nagsama pero sa likod ng kasiyahang ito lumalala ang sitwasyon ng mga kupunan hanggang isang gabi na balitaan bumalik na rin si Heneral Aguinaldo galing sa Hong Kong at nagdadala ng mga bagong armas at kanyon. Nagsanib pwersya ang mga rebelding Indio kasama sa hukbo ni Col. Calixto Villacorte (Leo Martinez). Sa kabilang kampo ni Capt. Enrique Fossi de las Morenas (Baron Geisler) binabalaan niya ang kanyang mga kawal na wag magkaugnayan sa mga Aeta dahil sa mga espiya nagpapalibot. Isang araw ipinatawag sina Novicio ng Kapitan Las Morenas para malaman kung nakigugnayan pa ba ito sa dating mga kasama at nung binigyan ito ng listahan ng mga taong nagrerebeldi doon sa Baler. Dumating din ang araw na sumalikas ang mga tao sa bayan ng Baler at doon nagtago sa kagubatan habang may digmaan sa dalawang kupunan. Habang naglalakad pabalik sa kanilang bahay ang mag kapatid huminto rin sila sa sangang-daan na saan nagtapo sina Feliza, Luming (Nikki Bacolod), Celso at Lope (Mark Bautista). Daling umalis patungo sa simbahan si Gabriel at hindi na ito na pigilan pero dumating rin si Luming at sinabihan ito na balak magtatanan daw silang dalawa ni Celso sa hating gabi ngunit hindi ginawa ni Feliza dahil natatakot siya sa kanyang ama sapagkat alam ng lahat ng mga tao kung gaano kalalim ang kapootan nito sa mga Kastila. At malaking kahihiyan ito kung sumang ayon siyang lumikas kasama ni Celso kaya sa gabing yaon naghintay sa wala si Celso para kay Feliza at bumalik rin ito sa kanilang baraka. Gabi na nang lusobin ng mga sundalong Filipino ang baraka ng mga Kastila. Pinaulanan ng mga bala ang naghaponang Kastila at daling lumikas sa simbahan doon nagtago sila habang nag hihintay ng magliligtas na tropa galing sa gobyernong Kastila. Nababahala ang prayli sa kapakanan ng kanyang iisang sakristan na si Gabriel subalit ayaw talaga niyang umalis sa gilid dahil sinasabi niya na mas turing ama pa niya ang kanyang guro kaysa sa kanyang sariling ama. Lumipas ang mga buwan unti ring naubos ang mga pagkain at gamot ng kupunang kastila at bumalik rin ang mga tao sa kanilang bayan hindi nagtagal pinakiusapan ng mga babae si Daniel na mag bigay misa ang Pari sa kapayapaan ng Baler. Pinagbigyan rin ito ngunit sa gitna ng misa ay namatay si Fr. Candido Gomez Carreno (Micheal De Mesa). Pinagsabihan si Gabriel ni Celso at Lope na bumalik na sa kanyang pamilya dahil wala na ang kanyang guro at mapapahamak lang siya sa gitna ng digmaang Filipino at Kastila. Nakita ni Feliza ang kanyang kapatid at sinundo ito kasama ang ina na si Azon Reyes (Lio Locsin) mainit tinanggap ni Daniel ang kanyang anak at nabigla ito hanggang natanggap rin ni Gabriel na mas mabigat ang kanyang pamilya sa kanyang puso. Oktobre 21, 1898 ika 117th na araw simula noon sa paglusob. Uminom ng maraming alak si Kapitan Las Morenas at nagpatiwakal siya habang pinutokan ang simbahan ng mga kanyon. Namatay rin ang piniling mamahala sa natitirang kawal nila na si Tinyente Alonzo Zayas (Bernard Palanca) at manungkul ang posisyon ito ng ikadalawang tinyente Saturnino Martin Cerezo (Ryan Eigenmann). Nabibilang na ang mga araw sa kupunan ng mga Kastila unti na rin namatay ang lahat ng kawal hanggang isang araw nagpiestahan ang kupunan ng Filipino para pa inggitin ito at ng nakita ng ibang kawal nawawalan sila ng espiruto at umiyak ang iba dahil sa walang pag-asang sitwasyong. Ang ginawa ng kupunang espanya ay lumikas paalis sina Celso at isang kawal na magnakaw ng mga pagkain at sunugin ang isang bahay doon. Nagkita rin sina Celso at Feliza muli ngunit hindi nasabi ni Feliza na nagdadalang tao siya sa kanilang anak. Napagkasunduan ng dalawang grupo na magpahinga sila sa digmaan at magbigay ng mga regalo sa isa't isa habang nagpapagaling ang bawat kawal. Sa pagbibigay regalo inihatid ito una ni Feliza at nagboluntar si Celso sa pagkuha ng regalo, kasabay sa loob ng regalo ay isang sulat na naglalaman ng katotohanan na buntis si Feliza at ama na siya. Sa ikadalawang regalo sina Luming at Lope naman ang nagbigayan ng sulat at sinabi ni Luming na naghihintay siya ni Lope na bumalik sa kanya. Pagkalipas ng ilang araw bumalik rin ang lahat sa dati at masmalala na ang sitwasyon ng grupong Kastila. Pinadalhan ng mga sugo galing Espanya na pababalikin na ang natitirang Kastila at kung hindi sila pumirma wala na sila sa kamay ng Espanya at kung anong mangyari hindi sisisihin ang Espanya. Isang gabi nagtipon ang kasamahan nila Celso at Lope at nagbalak silang lumikas sa kupunang Filipino. Gabi ng umalis silang lahat maliban nila Mauro (Joe Mapa) at Celso dahil nakita sila ni Cerezo at dinaya niya si Celso ng sinabi niya na bumabalak na magdesyerto si Celso at naka alas rin sina Lope at isa pang kawal. Pinaputokan silang dalawa ngunit naligtas rin sila sa kamay ng mga Filipino ngunit mas mapait ang kapalaran ni Celso dahil ginapos siya at binaril ni Mauro at kung hindi babarilin niya siya ay papatayin ng kanilang tinyente dahil sa paglabag ng utos. Isang araw habang nagbabasa ng mga pahayagan si Tinyente Cerezo nakita niya ang isang patalastas na nagpapahayag ng dalawang magnobyong nagpakasal sa Magdala. Nagulat siya at naisip na totoo pala ang lahat ng sinabi ng mga sugo, indio at ni Celso. Napag-isipan niya na sumuko na sila. Pinagtipon ang lahat na titirang Kastilang kawal at hinanda niya silang lahat sa pagsuko. Naghintay si Feliza kasama ang kanyang isang gulang na anak at hinanap si Celso sa linya ngunit wala na siyang makita at nilusob niya ang simbahan hinanap niya hanggang nakita niya ang bangkay ng kanyang minamahal nakagapos at dinuguan. Nakabalik rin sa Espanya ang natitirang Kastila at sumunod ng mamuno ang mga Amerkano sa Pilipinas.