Friday
Filipino: Isang Masinsinang Panunuring Pampelikula (continuation)
III. Pagsusuri
A. Uri ng Pelikula: Baler (Drama/Love Story/ Aksyon)
B. Kaanyuan ng pelikula: 1898 Panahon ng digmaan sa pagitan ng 57 Rifleman Batalyon ng Militar Espanya at mga Pwersa ng Filipino.
C. Uri ng pananalig: Ang pinikula ay realismo dahil ito ay naglalahad ng mga katutuhanan noong unang panahon at nagbibigay ng leksyon sa mga tao dahil napakahirap mabuhay sa kung meron tayong kaaway kaya dapat tayong maging isang "flexible" sa mga taong nagbigay ng importansya sa ating buhay.
D. Istilo ng paglalahad: Ang pelikula ay isang pangkaraniwang anyo ng paglalahad ng ginagamit na istilo. Magaan ang daloy ng mga pangyayari hanggang lumaki sa komplikadong at sa paghahanap ng kalutusan sa mga suliraning nasasalamuha.
E. Mga matayutay o matalinghagang pananalita
a. "Malaking hamon ang magpatumba ng kalaban ngunit masmalaking hamon ang malukluk at magpatakbo ng bayan." Ito ang sinagot ni Col. Calixto Villacorte sa tanong ni Daniel Reyes habang nag-uusap sila sa pagsalakay ng kupunan nina Tinyente Mota. Ipinaliwanag rin ni Col. Calixto Villacorte kung anong hirap ang magpatakbo ng isang malayang gobyerno sa kamay ni General Aguilnado at hindi lang ang pagsalakay ng kaaway ang alalahanin.
Mga Pansin at Puna sa:
a.) Tauhan
Lahat ng nagdadala sa kanilang papil ay sadyang pawang magagaling. Katulad na lamang sa gumanap sa papel ni Daniel Reyes na si Philip Salvador, pinaramdam niya talaga sa nanonood na siya ay isang tunay na Filipino, Ama, at inapi sa mga Kastila. Bagay sa kanya ang gumanap na nagagalit na Ama dahil sa hugis at sa mga ibang aksyon na pelikula na siya ay nasali noon.
Magaling talaga si Jericho Rosales sa paggaganap ni Celso Ressurecion na isang hamak na kawal sa kupunan ng Kastila, Ipinakita niya ang galing at husay sa isang lalaking umiibig at may responsibilidad sa kanyang posisyon. Habang si Angel Locsin ay magaling rin sa paganap ng isang mapuri, innocenting, at maaalaning Filipina.
Magagaling silang lahat sa pagganap ng kanilang papel at mararamdaman mo rin ang tunay na buhay bilang isang Filipino sa panahon ng mga digmaan.
b.) Galaw ng Pangyayari
Sa simula palang ng pelikula ipinakit na dito ang hidwaan ng Filipino at Kastila hanggang sa huli. Hindi ito malaswa at walang sexy ngunit meron mga bahagi na iginuhit ang pagtatalik at pagpapakita ng kanilang pag-ibig sa pelikula. Pero sa pelikulang 'Baler' ipinahawag ng mga direktor ang buhay, kultura, at damdamin ng mga Filipino noong panahon ng mga Kastila.
G. Panariling reaksyon sa mga galaw ng pangyayari :
Naging maayos ang daloy ng kuwento sa pelikulang ito. Hindi na masasabing puro lamang pagmamahalan ang makikita mo kundi punong kalungkutan at digmaan lamang ang iyong masasaksihan. Bawat takbo ng mga pangyayari ng pelikula ay sadyang may kaugnayan sa bawat isa sa ating mga Pilipino. Bibihira ang ganitong uri ng digmaan na kung saan makikita mom talagang may laman ang bawat kuwent ng character, na may nais iparating sa mga manonood at sadyang pinaghusayan ang pagkakasulat ni Roy Iglesias at ang natatanging pagdirihi ni Mark Meily.
IV. Pananaw
Sosyolohikal
Ito ay isang uri ng pelikula na kapupulutan ng bawat manonood ng isang magandang aral. Itong pelikula na ito ay pangkaraniwang nangyari sa totoong buhay. Napakalungkot isipin sa pamamagitan ng pelikulang ito naalala nating mga Pilipino kung gaano namuhay ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol. Pakiwari ng mga Pilipino, ay walang karapatan maghari-harian ang mga Kastila sa ating bansa dahil hindi sila mga tunay na Pilipino. Para sa ating mga Pilipino tayo lamang ang may karapatan manirahan at magmamahal sa ating sariling bansa. Subalit kung pagkaiisipan lamang nating mabuti, bakit kaya marami sa mga dayuhan ang gustong manirahan dito at sakupin ang ating bansa?
Mayroong eksana sa pelikulang ito kung saan nagmamahalan sina Celso at Feliza. Si Celso ay hinid tunay na Pilipino mayroon siayng lahi na Kastila, subalit si Feliza ay isang tunay na dalagang Filipina na umiibig sa kanya. Sadyang pinakaasam-asam nila ang mga sandaling panahon na sila ay nagkasama. Inilahad sa pelikulang ito na mayroong mga tao na nagmamahalan ng tapat sa git ng kaapihan at digmaan. Dahil sa ilang mga positibung taglay ng pelikula ang tao ay hindi bastang sumuko agad lalo na kung ang kanyang ipinaglalatan ay dahil sa kanyang bansang sinilangan at sa kanyang tunay na minamahal.
Sikolohikal
Arketipal
V. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa isip
Hidwaan sa dalawang kampo, Espanyol at Filipino. Si Feliza ay isang babae nagmamahal sa isang kalaban, ang pangalan niya ay si Celso. Nagbungga ang kanilang pagmamahalan ngunit sa kapait nang tadhana, hindi rin na kilala ang anak nila Celso at Feliza ang ama niya. Sa wakas, maraming namatay nagtanggol sa kanilang bansang minamahal.
B. Bisa sa damdamin
Habang nanunuod ako sa pelikula, Nadarama ko kung gaano mawala ang pag-asa sa dalawang kupunan. Naramdaman ko rin ang kalungkutan dahil maraming namamatay sa pelikulang iyon at wala akong magagawa.
C. Bisa sa kaasalan
Ang naging asal nila noon ayang pagpapakita nang katapangan upang ipagtanggol ang sariling mithiin para sa kalayaan na tatamasin nang mga Pilipino. Sa kabilang daku naging mapagmataas ang mga Kastila at gustong sakupin ang bansang Pilipinas at gawing alipin ang mga taong Pilipino.
VI. Paglala[at ng Salawikain
VII. Evalwasyon
1. Kung ikaw ay isa sa mga tauhan ng pelikula, Anong papel ang gusto mong gampanan? Bakit?
Para sa akin ay gusto ko maging Pari dahil naging susi o pamagitna sa labanan ng Kastila at Pilipino.
2. Bakit kaya pinamagatang Baler ang pelikula? Bakit?
Pinamagatang Baler ang pelikula dahil sa Baler na ganap ang digmaan ang huling labanan ng Kastila at Pilipino.
3. Para sa iyo, sang-ayon ka bang ipalabas ang mga gamiting uri ng pelikula? Bakit?
Oo, dahil pwedi itong panuorin sa mga bata at matanda at upang maliwanagan din ang mga tao sa mga pangyayari noon sa hidwaan ng mga Kastila at Pilipino.